“Patay” ang Diyos: Ilang Repleksiyon para sa Semana Santa
Words by Lourd de Veyra
Art by War Espejo
Napaka-poetic ng ideya: “patay” ang Diyos. Kaya dapat nagluluksa rin ang Channel 7, 13, at 9. Hindi ka rin puwedeng maglaro sa labas. Walang “Diyos” para magbantay. Baka mapaano ka. Kung magalos ang tuhod, baka hindi na gumaling, habambuhay. Biglang papasok sa isip mo ang duguang bangkay ni Kristo.

Hindi pa ito ang “God is dead” ni Nietzsche. Medyo mas katutubo pa at tila literal pa ang intindi–sila rin siguro yung nakakakita ng mga mukha ni Kristo sa mga puno ng saging at sa loob ng siopao. Sa Pilipinas, noong mga panahong wala pang cable TV at Internet, talagang Holy Week na Holy Week ang pakiramdam. Alam ito ng mga taong lumaki na sa isang taunang tradisyon: sa isang linggo sa Abril ay Ten Commandments, Ben Hur, at Jesus of Nazareth lang ang napapanood–isama mo pa diyan ang mga madramang Lenten specials ng Eat Bulaga. Damang-dama ang pagtigil ng mundo. “Patay” talaga ang lahat. Garalgal lang ng static ang gigising sa iyo sa loob ng ilang araw. Sing-init ng hiningang nilalagnat ang hangin. Hapon na hapon nasa bahay ang dalawang magulang. Amoy kandila ang buong bahay. Kaya laking tuwa mo na lang kahit mga Chinese cooking shows na ang bumungad sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay.
Continue reading»

DEAR XEREX: Miss Delish Part 3
EverywhereWeDon’tCare

EverywhereWeDon’tCare

Top 10 Amazing OPM Remakes
10 Things Janet Lim Napoles is Enjoying for Free
DEAR XEREX: First Sexperience Part 2 
DEAR XEREX: First Sexperience (Conclusion)
EverywhereWeDon’tCare

EverywhereWeDon’tCare

Love Hurts

Love Hurts