
Impeachment for Morons
Words by Lourd de Veyra
Artwork by War Espejo
Dear bayaw,
Alam kong dumudugo na ang ilong mo sa mga pinapanood mo sa Senado. Hirap na hirap ka na nga sa kapapaypay kahit naka-puting sando ka pa na umiiyak na ang bawat hibla dahil sa laki ng iyong tiyan (Beer pa, ‘tol!). Para tulungan kang maintindihan ang pinakamainit na sitcom ngayon, heto ang ilan sa mga salitang tila gumugulo sa iyong isipan at nagpapadugo ng iyong ilong. Marami pa ‘yan, bayaw. Pero sa ngayon, eto muna.
IMPEACHMENT— Ang akusahan ang isang opisyal ng gobyerno na gumawa ng katarantaduhan. Pero alam ko, bayaw, ang sasabihin mo: “Eh, araw-araw naman ay may opisyal na gumagawa ng katarantaduhan, di ba?”
Pero saan ba nanggaling ang salitang “impeach?” Bakit, anong kinalaman ng prutas (na ginagamit sa isang dessert sa Jollibee) sa pag-uusig sa isang opisyal ng gobyerno? Eto ang sabi ng Google na dinala ang katangahan ko sa Random House dictionary interwebs: Bandang 1350–1400; Middle English empechen, enpeshen < Anglo-French empecher < Late Latin impedicāre to fetter, trap, equivalent to Latin im- im-1 + pedic ( a ) a fetter (derivative of pēs foot) + -ā- thematic vowel + -re infinitive suffix.” Gets mo? Di ko rin naintindihan eh. Nag-cut-and-paste lang ako. Parang yung ginagawa ng bunso mo pag nagre-research sa assignment sa school.
-
ayenlovesyou reblogged this from warespejo
-
lechengletsugas liked this
-
gelatinous22 reblogged this from warespejo
-
basterrda reblogged this from warespejo
-
kathmitra liked this
-
drowsypandas liked this
-
tumblingpencilsandpens liked this
-
meneermarcelo liked this
-
irresponsible-hater liked this
-
bangzkie88 liked this
-
juanrepublic liked this
-
warespejo posted this
-
sinabawjuan reblogged this from warespejo and added:
SAL-N— Papel na naglalaman ng lahat ng ari-arian at halaga ng iyong pagkatao. Kumbaga, bayaw, kung SALN mo ito,...
-
patxi reblogged this from warespejo and added:
Mga paborito ko: ONE LONG MINUTE — Sa totoong buhay,...fifteen to twenty minutes. Dahil...