In Defense of Lito Lapid
Words by Lourd de Veyra
Art by War Espejo
Hindi ako nang-aasar pag sinabi kong idol ko si Lito Lapid.
Seryoso ako: idol na idol ko si Lito Lapid nung ako’y bata pa. Kung  hindi ka lumaki sa probinsiya nung 1980s, hindi mo ito maiintindihan.  Halos umiyak ako ng dugo at naglupasay sa harap ng nanay ko nung ayaw  niya akong dalhin sa sine para manood ng Geronimo, ang pelikula  kung saan siya gumanap na Indian (“Indian” as in Native American a.k.a.  Indian Pana as opposed to “Bumbay”). Kung paano nagkaroon ng mga Indian  at mga cowboy sa Pilipinas ayon sa pelikula, huwag niyo na akong  tanungin—akala ko talaga noon ay may tribo ng mga Indian sa Pilipinas.
Hindi ko na rin masyadong maalala yung kwento. Pero ang tumatak  talaga sa akin ay yung eksena na nakikipag-paluan siya ng palakol sa  ibabaw ng isang net na naka-stretch sa dalawang magkatapat na dulo ng  bangin. Wasak yun. Ang lalim pa ng bangin. At siguradong walang daya  dahil hindi pa naman uso ang mga special effects dati. Pero ang taas  nung pinaglalabanan nila na pag napunit o nabutas ang net, alam mong hindi sila mabubuhay pag nahulog sila sa putanginang bangin. Hayop din yung theme song (“Geronimo… Sikapin mooooo….”) na parang opera tenor pa ang kumanta.
Continue reading»

  1. minombreespaula reblogged this from patxi and added:
    I would have to say, napa-“awww” ako dun sa Children’s Schoolbag Weight Regulation Act of 2010. simple lang pero it...
  2. patxi reblogged this from warespejo
  3. infiniteglider reblogged this from warespejo
  4. candyjenn0919 reblogged this from warespejo
  5. xoxopimpimxoxo reblogged this from warespejo
  6. cherlynism reblogged this from warespejo
  7. daryljose reblogged this from warespejo
  8. subversivethoughts reblogged this from warespejo
  9. burntbrain reblogged this from warespejo
  10. warespejo posted this